November 11, 2026
Hi love,
5 Months na baby na official, pero more than 5 na yung time na pagkagusto at pagmamahal ko sayo babe❤️. Deymm, bilis ng oras baby, konti na lang magcecelebrate na tayo ng first Christmas natin at first New Year 🌷. Sobrang excited na ako babe kasi kasama kita na ma eexperience yung mga first natin together🥹🌷. Wala tayo masyado memories ngayong october baby ay, magkahiwalay eh🥹. Pero lam mo, kung ano man yung memories na nabuo natin ngayon, sobrang saya ko❤️. Shet lalo yung umuwi ako tapos nag sama tayo sa mga araw na andun ako babe, sobrang saya😊. Natesting din natin mag overnight babe😆 Sobra pa sa sobra talaga yung saya ko dun😁 Naranasan ko na konti kung pano tayo mabubuhay magkasama sa isang bahay, at shet lam mo, gustong gusto ko pa😄. Sobrang worth it yung time ng pag uwi ko dun babe💕 Tapos yung part na nag hiwalay ulit tayo para umakyat ulit ako, shet, want kitang hawakan ng matagal pa dun at hindi bumitiw🥹. Tapos yung pag byahe mo dyan sa cagayan, kakalungkot na sobrang layo natin sa isa't isa 🥹. Pero lam mo babe, sobrang saya ko. Dahil kahit gaano tayo kalayo eh, hinahanap pa din natin ang isa't isa 💕. Kahit may mga away, hindi nagtatagal, kasi mas gusto pa din natin magsama eh💕. Thank you din sa time mo babe na paghanap sakin kapag free time mo, sobrang natutuwa ako dun lam mo yun 💕. Kasi shet, pwede ka magpahinga dun, mag scroll lang ganun, pero ako pinipili mong pahinga 🥹. Sobrang saya ko din babe nung pinag mamalaki mo ako jan sa mga kilala mo jan🥹 Na para bang isa akong malaking achievement sa buhay mo💕 I'm sorry too baby, sa mga oras na hindi tayo nagkakaintindihan at nag aaway🥹 Pero lam mo, sobrang saya ko din talaga na kahit may ganun tayo, nakayanan natin ❤️ Sobrang namimiss na kita love 🥹 Sana makauwi ka na💕 Hihintayin kita sa terminal baby, at shet mayayakap na kita ng mahigpit❤️
Alala ko pa yung first day natin. Tatanong ko lang kung dun yung room namin. Di ko alam na pati pala ikaw na future ko andun.
Salamat babe at dumating ka sa buhay ko❤️. Sana mag stay ka din hanggang sa huli💕. I loveeeeee youuuuu babyyy, forever and always❤️
Always yours,
Your favorite person